Upstander - Tagalog

Upstander: Hindi maging tagamasid lamang

 

Paano maging Upstander?

Meron kang kakayanan na pigilan ang pang-aapi. Ayon sa pagsasaliksik, mapipigilan ang mahigit sa kalahati (57%) ng pang-aapi kung mayroon tauira o estudyanteng makikialam at hahadlang na mangyari ito.

Ang Upstander ay salita o aksyon na makakatulong sa taong inaapi. Kapag nakakita ng taong inaapi, maging Upstander at hindi lang maging tagamasid. Sabihin ito. Suportahan sila. Humanap ng tulong.

 

Ito ang limang aksyon ng Upstander:

 

1. Suportahan ang taong nakakaranas ng pang-aapi

  • Suportahan ang taong nakakaranas ng pang-aapi, kahit na sa paraang samahan mo lamang sila at ipaalam sa kanila na nandiyan ka para sa kanila.
  • Hikayatin mo silang humingi ng tulong o samahan mo silang humingi ng tulong.
  • Ipaalam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa.

 

2. Gambalain

Gambalain ang pang-aapi sa kahit na anong paraan:

  • Tanuning ang taong nakakaranas ng pang-aapi kung gusto niyang maglakad-lakad o gumawa ng ibang aktibidad.
  • Tulungan mo silang makaalis sa sitwasyong kinahaharap nila.

 

3. Sabihin ito

  • Kung pakiramdam mo na ligtas ka, Ipaalam sa tao o mga taong nang aapi na hindi mabuti ang kanilang ginagawa.
  • Gamitin ang iyong mga salita upang ipakita ang pagmamahal at kabaitan sa mga nasasangkot.
  • Huwag magmasid lamang. Maaaring mahirap magsalita sa sandaling iyon, ngunit maaari itong magdulot ng malaking pagbabago sa sitwasyon.

 

4. Umalis at umaksyon 

Kung pakiramdam mo na hindi ka ligtas sa panahon na nakakakita ka ng pang-aapi:

  • Lumayo sa sitwasyon.
  • Pagkatapos, ipaalam sa taong nakaranas ng pang-aapi na nasaksihan mo ang nangyari at magtanong kung ano ang iyong maaaring maitulong.
  • Maaari mo rin kausapin ng mahinahon ang taong nang api tungkol sa nangyari.

 

5. Kumuha ng ibang tulong

Suportahan ang taong nakaranas ng pang-aapi sa paghanap ng tulong mula sa – pamilya, guro, isang pinagkakatiwalaan tao na nasa hustong gulang o sa helpline – at umaksyon ayon sa kanilang payo.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Pink Shirt Day:

https://www.pinkshirtday.org.nz

 

View or Download resources

Pink Shirt Day Tagalog 2024

Categories

Pink Shirt Day

Is this information useful ?

Subscribe to our newsletter

We respect your privacy and do not tolerate spam.

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.